Okay, sa pag-drawing ng ulo ang palagi kong unang dino-drawing ay isang bilog. Kung ikaw ang tipo ng taong di nakatadhanang makagawa ng perfect circle ng walang guide ay di naman ito requirement. Basta't maging hugis lang ng ulo ng tao ay okay na. Sunod ay ang panga. Gumawa ng vertical line mula sa tuktok ng bilog na approximately 1 and 3/4 ng diameter ng bilog. Gumawa ng mala-Piatos na shape hanggang dun sa ginawa niyong line kanina.
Iba't iba ng hugis ng panga ng bawat edad ng tao. Kapag bata pa lang, ay medyo bilugan. Kapag nasa teenage years na sila ay medyo humahaba ng kaunti at mas lumalaki na rin ang kanilang ulo (kahit di sila mayabang). At kapag adult na, mas mahaba ng kaunti kaysa sa mga teen.
Dapat ding i-consider kung lalaki ba o babae. Kapag lalaki ay mas flat ang baba nila samantala kapag babae mas pointy ang chin nila. Mas nagiging feminine sa babae at mas nagiging masculine naman sa lalaki.
Ang hugis ng mukha ng iyong gagawing anime character ay dapat sumasalamin sa kanilang ugali. Halimbawa, kung ang gagawin mo ay isang hardcore villain, na ang hobby ay manakit ng tao, dapat mas define pa ang kanilang panga at medyo pahaba ang hugis ng mukha. Nakakadagdag din yun sa pangungumbinsi na sila ay masama (to the highest level!).
Aaaaaaat tapos na! (Yey!). Huwag kayong matakot na mag-experiment ng iba't ibang style o shape ng mukha para sa inyong mga character. Mas unique, mas natatandaan ng mga tao.
P.S.
Kung meron kayong tanong, comments, suggestions o violent reactions ay magcomment lang sa baba at huwag mahiya!
No comments:
Post a Comment